A theme of the age, at least in the developed world, is that people crave silence and can find none. The roar of traffic, the ceaseless beep of phones, digital announcements in buses and trains, TV sets blaring even in empty offices, are an endless battery and distraction. The human race is exhausting itself with noise and longs for its opposite—whether in the wilds, on the wide ocean or in some retreat dedicated to stillness and concentration. Alain Corbin, a history professor, writes from his refuge in the Sorbonne, and Erling Kagge, a Norwegian explorer, from his memories of the wastes of Antarctica, where both have tried to escape.
And yet, as Mr Corbin points out in "A History of Silence", there is probably no more noise than there used to be. Before pneumatic tyres, city streets were full of the deafening clang of metal-rimmed wheels and horseshoes on stone. Before voluntary isolation on mobile phones, buses and trains rang with conversation. Newspaper-sellers did not leave their wares in a mute pile, but advertised them at top volume, as did vendors of cherries, violets and fresh mackerel. The theatre and the opera were a chaos of huzzahs and barracking. Even in the countryside, peasants sang as they drudged. They don’t sing now.
What has changed is not so much the level of noise, which previous centuries also complained about, but the level of distraction, which occupies the space that silence might invade. There looms another paradox, because when it does invade—in the depths of a pine forest, in the naked desert, in a suddenly vacated room—it often proves unnerving rather than welcome. Dread creeps in; the ear instinctively fastens on anything, whether fire-hiss or bird call or susurrus of leaves, that will save it from this unknown emptiness. People want silence, but not that much. | Ang napapanahong tema lalo na sa maunlad na mundo ay ang pagkasabik ng mga tao sa katahimikan subalit hindi nila ito masumpungan. Ang ingay ng trapik, ang walang tigil na tunog ng mga telepono, mga digital na panawagan sa mga bus at tren, nakabibinging tunog ng telebisyon maski sa walang lamang mga opisina ay waring walang katapusang pambubugbog at pang gagambala. Ang sangkatauhan ay pinapagod ang sarili sa ingay subalit hinahanap-hanap naman nito ang kabaliktaran – maging ito ay sa kagubatan, sa gitna ng karagatan o sa ilang bakasyunang nakalaan sa katahimikan at pagmumuni-muni. Si Alain Corbin, isang propesor sa kasaysayan, ay nagsulat ukol sa kanyang kanlungan sa Sorbonne at si Erling Kagge, isang Norwegian explorer na nagsulat naman mula sa kanyang alaala ng mga basura ng Antartika kung saan pareho nila itong tinangkang takasan. Subalit batay sa nais ipabatid ni Ginoong Corbin sa “Ang Kasaysayan ng Katahimikan”, maaaring wala ng ingay katulad ng dati. Bago pa man mauso ang de hanging mga gulong, ang mga kalsada sa siyudad ay puno ng mga nakabibinging tunog ng de bakal na gulong at mga yapak ng kabayong tumatama sa bato. Bago pa man ang pagiging mapag -isa ng dahil sa mga mobile phones, ang mga bus at tren ay puno ng kwentuhan. Ang mga nagtitinda ng dyaryo ay hindi hinahayaang manahimik na lamang ang kanilang mga papel at tinatadtad nila ito ng mga patalastas ganun din ang mga maglalako ng seresas, ube at sariwang mackerel. Ang teatro at opera ay puno ng hiyawan at kampihan. Maging sa sa kanayunan ang mga magsasaka ay umaawit habang gumagawa. Hindi na sila kumakanta ngayon. Hindi ang antas ng ingay ang gaanong nabago na syang idinadaing ng mga nagdaang siglo kung hindi ang antas ng kaguluhan na syang umookupa sa lugar na maaaring sakupin ng katahimikan. At dito’y may nagbabadyang kabalintunaan sapagkat sakaling ito ay sumalakay – sa pusod ng kagubatan, sa nakatiwangwang na disyerto, sa biglang nilisang kwarto – kadalasa’y ito’y kagimbal gimbal sa halip na maging katanggap tanggap. Ang sindak ay unti unting gumagapang; ang tenga ay kusang aanib sa kung anumang bagay maging ito ay sutsot ng apoy, huni ng ibon o bulong ng mga dahon na syang magliligtas dito sa hindi mawaring kahungkagan. Hangad ng mga tao ang katahimikan subalit hindi ito lubos. |